Batanes Calauit Coron Coron Coron Batanes Batanes

Home Pictures Trips Vital Tips Itineraries Members Contact Us

KANLUNGAN

pana-panahon ang pagkakataon maibabalik ba ang kahapon?

natatandaan mo pa ba, nang tayong dalwa ang unang nagkita? panahon ng kamusmusan sa piling ng mga bulaklak at halaman doon tayong nagsimulang mangarap at tumula

natatandaan mo pa ba, inukit kong puso sa punong mangga at ang inalay kong gumamela magkahawak-kamay sa dalampasigan malayang tulad ng mga ibon ang gunita ng ating kahapon

ang mga puno't halaman ay kabiyak ng ating gunita sa paglipas ng panahon bakit kailangan ding lumisan?

pana-panahon ang pagkakatao maibabalik ba ang kahapon?

ngayon ikaw ay nagbalik at tulad ko rin ang iyong pananabik makita ang dating kanlungan tahanan ng ating tula at pangarap ngayon ay naglaho na saan hahanapin pa?

lumilipas ang panahon kabiyak ng ating gunita ang mga puno't halaman bakit kailangan lumisan?

pana-panahon ang pagkakataon maibabalik ba ang kahapon?

lumilipas ang panahon kabiyak ng ating gunita ang mga puno't halaman bakit kailangan lumisa?

pana-panahon ang pagkakataon maibabalik ba ang kahapon?

© 2003 Nature Awareness Club, Inc. All rights reserved. Reproduction in whole or in part in any form or medium without express written permission of Nature Awareness Club, Inc. is prohibited. Disclaimer: Nature Awareness Club, Inc. accepts no responsibility or liability in respect to information provided by any third parties on this website. If you encounter any problem kindly email the webmaster: John Neil N. Sangalang